Kilabot na drug pusher, arestado sa Quezon City

143

Manila, Philippines – Arestado ang isang kilabot na drug pusher na matagal nang tinutugis sa barangay Holy Spirit, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Jodel Deloviar kung saan kabilang siya sa drug watch list ng barangay.

Narekober sa kanya isang 9mm na baril at ilang drug paraphernalia.


Nakuha din sa suspek ang ilang bala ng grenade launcher at tatlong sumpak.

Ayon kay QCPD Special Operations Unit Team Leader, Chief Insp. Narciso Cajipe – hindi raw alam ng suspek ang ukol sa mga baril.

Aminado ang suspek naglagay ang suspek ng CCTV sa eskinita na minomonitor sa kanyang kwarto para kilalanin ang mga papasok na parokyano.



Gamit ang isang boteng plastik ay ilalaglag ng suspek nito mula sa ikalawang palapag ng bahay at dito ilalagay ng mga parokyano ang kanilang bayad kapalit ng droga.

Nabatid na ilang beses nang target ng pulisya ang suspek pero palagi itong nakakatakas.

Facebook Comments