Kilabot na snatcher, na pinagbabaril

Manila, Philippines – Blangko pa rin ang mga tauhan ng Homicide Division sa motibo ng suspek sa pagpatay ang isang kilabot na snatcher matapos barilin sa Hermosa Street Tondo Maynila mag-aalas-4:00 kaninang madaling araw.

Ayon kay MPD Homicide Chief Sr. Inspector Rommel Anicete inaalam pa ang buong pagkakakilanlan ng biktima na isang alyas Atong na nakasuot ng kulay itim na sando, maong na shorts at tsinelas.

Ayon kay Brgy. kagawad Manuel Jacinto, nakarinig sila ng isang putok ng baril at nakita na lang ang biktima na nakabulagta sa tabi ng kanyang bisikleta.


Isa umanong kilabot na snatcher sa kanilang brgy. ang biktima.

Iniimbestigahan pa rin ng MPD Homicide ang nasabing krimen.

Facebook Comments