Kilalanin ang trending ‘nerdy uber drive r’ na may kakaibang talento sa pag-rarap

118
Manila, Philippines – Napabilib ang marami sa isang uber driver na may kakaibang angking galing sa pagra-rap.
 
Kinilala ang uber driver na si Oliver Barkell o “nerdy uber driver” dahil sa suot niyang nerdy outfit habang pumapasada sa mga kalye ng Las Vegas City, Nevada.
 
Sa kaniyang 3-minute video na nag-trending online, umani ng libo-libong views si Barkell kung saan kasama niya ang dalawang pasahero at nagrap.
 
Ayon sa isang pasahero, mula sa pagiging ‘creepy nerdy driver’ ni Barkell bigla na lamang itong nag-transform bilang si G-Eazy, isang sikat na rapper sa Amerika.
 
Dagdag pa ng mga pasahero nito, nakahahawa ang beat ng kanyang pag-rarap kaya naman nakagaganda rin ng mood habang bumibiyahe.


 
Screenshot: YouTube

Facebook Comments