Kim Chiu at Xian Lim, magkasamang sinalubong ang 2019 sa China

731

Magkasamang sinalubong ng magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim ang Bagong Taon sa Xi’an, China.

Noon lamang Nobyembre inamin ni Kim na matagal na silang magkarelasyon ni Xian, kaya mas maraming netizens ang kinilig na makitang magkasama ang dalawa sa kanilang bakasyon.

Base sa kanyang Instagram post noong December 30, ipinamalas ni Kim na sobrang enjoy siya kasama si Xian na naglilibot at kumakain ng street food sa China.

Sa hiwalay namang post ni Xian kahapon, December 31, sinabi nitong madaling mahalin si Kim, lalo na at sadyang masayahin ang personalidad ng aktres.

Facebook Comments