Kim Chiu, mayroon nang 6 million followers sa IG

Masayang ibinahagi ni Chinita Princess Kim Chiu ang kanyang bagong achievement.

Umabot na kasi sa anim na milyon ang kanyang followers sa Instagram.

Sa IG post ni Kim, sobrang thankful siya sa patuloy na natatanggap na suporta mula sa kanyang mga fans.


Sa video, makikitang nasa isang kwarto si Kim na mayroong lobo at mayroong nakalagay ng “happy 6M” at sa dulo nito ay may fireworks display.

Bumuhos naman ang papuri ng mga netizens sa kanilang idolo.

Facebook Comments