Kim Chiu, nagpaliwanag na sa MMDA kaugnay sa viral video niyang sumasayaw sa kalsada

120
Courtesy: Kim Chiu Instagram

Nagpaliwanag na sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang aktres na si Kim Chiu kaugnay sa viral video nito na sumasayaw ng single niyang ‘Bawal Lumabas’ habang nasa kalsada.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, humingi na ng paumanhin si Kim sa kanilang ahensiya kung saan sinabi nitong hindi totoong sa EDSA nangyari ang kaniyang pagsasayaw.


Sa parking lot aniya ito ng isang establisyemento naganap habang nakaparada ang kaniyang sasakyan.

Tiniyak naman ni Garcia na napaalalahanan na nila ang aktres na tiyaking hindi nagkakaroon ng paglabag sa batas-trapiko na sinang-ayunan naman ng dalaga.

Facebook Comments