Kim Jong Un, tiniyak na may mga susunod pang summit kasama ang SoKor

26

Tiniyak ni North Korean Leader Kim Jong Un na may mga susunod pang mga pagpupulong kay South Korean President Moon Jae-In sa papasok na bagong taon.

Layunin ng maraming pang meeting ay talakayin nag denuclearization ng Korean peninsula.

Matatandaang tatlong beses na nagpulong ang dalawang lider.

Dalawang beses nito ay isinagawa sa Border Truce Village ng Panmunjom at isa sa kabisera ng North Korea na Pyongyang.

Nang bumisita si Moon sa Pyongyang noong buwan September, nangako si Kim na babalik daw sa Seoul sa lalong madaling panahon.

Facebook Comments