KINABAHAN? | Lalaking hinamon ng suntukan, patay matapos atakihin sa puso

14

Sampaloc, Maynila – Patay ang isang lalaki matapos atakihin sa puso dahil sa paghahamon sa kanya ng suntukan ng isa niyang ka-barangay sa Sampaloc, Maynila.

Sa CCTV footage, makikitang nagwawala ang lasing na si Jeffrey Loma matapos na makaaway ang kanyang ina at asawa.

Pinigilan siya ng kanyang mga kapitbahay hanggang maghamon ng suntukan kay Ryan Guillen na noon ay nakikipag-inuman naman sa kanyang asawa.

Pagtayo ni Guillen, kumuha siya ng bote na akmang ibabato kay Loma pero bigla siyang hinimatay.

Agad naman siyang dinala sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival.

At kahit hindi natuloy ang suntukan, inaresto ng mga pulis si Loma dahil sa reklamong homicide.

Facebook Comments