KINALAMPAG | Imbestigasyon ng NBI sa drogang nakapasok sa bansa sa pamamagitan ng pagsilid sa magnetic lifter, pinamamadali

Manila, Philippines – Nais nang tapusin ng Department of Justice ang iringan sa pagitan ng Bureau of Customs at PDEA.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na kinakalampag na niya si NBI Director Dante Gierran para sa resulta ng imbestigasyon sa pagkakapuslit sa bansa ng iligal na droga na nakasilid sa magnetic lifter.

Inatasan noon ni Guevarra si Director Gierran na imbestigahan ang pagkakalusot sa Bureau of Customs ng mga magnetic lifter na naglalaman ng shabu.


Una ng nagturuan ang BOC at PDEA sa pagkakalusot ng mga kargamento at kamakailan lang ay sinisi ng isang opisyal ng BOC na si Atty Maria Lourdes Mangaoang si Customs Commissioner Isidro Lapeña sa muling pagkalat ng iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments