Kinanselang US Visa ni Senator Dela Rosa, pinapo-proseso na ng US Embassy

139

Inabisuhan na si Senator Ronald Bato Dela Rosa ng Embahada ng Estados Unidos para iproseso ang kanyang kinanselang US Visa.

Ayon kay Dela Rosa, tinawagan sya ng US Embassy pagkatapos mag-usap sa telepono nina Pangulong Rodrigo Duterte US President Donald Trump.


Plano ni Dela Rosa na magpunta sa US Embassy kapag nagbukas na ito at kapag lumuwag na ang quarantine protocols.

Kinumpirma naman ni Senate President Tito Sotto III ang pahayag ni Dela Rosa.

Magugunitang naging mainit na isyu ang pagkansela ng Amerika sa Visa ni Senator Dela Rosa dahil nasundan ito ng pagpapabasura ni Pangulong Duterte sa Visiting Forces Agreement.

Facebook Comments