KINASUHAN | Mga suspek sa pananambang sa 5 ahente ng PDEA sa Lanao del Sur, Sinampahan na ng kaso, 8 sa mga ito, natukoy na

3640

Nasampahan na ng mga kasong multiple murder at double frustrated murder ang mga suspek sa pananambang sa limang PDEA agents sa Lanao del Sur.

Ito ang kinumpirma ni PNP ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar delos Santos.

Aniya ang mga suspek na nasampahan na ng kaso ay sina Oscar Gandawali, Palawan Macalabo, Lala Amboloto, Jamal Amboloto, Mizangcad Panonde Gandawali, Aiman Gandawali,Jamel Borar alyas Memekan, William Gandawali at dalawang john does.

Ang mga ito ay may linked o may kaugnayan kay Comayug Macapagal ang isa sa mga nasa drug watchlisted personality sa Marawi City.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng PNP at Armed Forces of the Philippines para matukoy ang kinaroroonan ng mga pinaghahanap pang suspek.

Facebook Comments