Kinatawan ng probinsya ng Quezon, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng nasunog na roro vessel

53

Nagpaabot ng tulong pinansyal si Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan sa mga biktima ng nasunog na roro vessel na Mercraft 2 sa Real, Quezon.

Personal itong dumalaw sa mga survivor ng nasunog na roro vessel na nagpapagaling ngayon sa East Avenue Medical Center.

Bukod sa mga biktimang nasa pagamutan, nagbigay rin ang kongresista ng pinansyal na tulong sa pamilya ng mga nasawi sa insidente.


Sobra ding nadismaya ang mambabatas dahil sa pagkukulang ng pamunuan ng roro vessel tulad ng kakulangan sa life vest na mahalaga pa naman sa kaligtasan ng mga pasahero.

Sa 127 na mga pasahero at crew na sakay ng vessel, pito rito ay namatay habang 24 ang sugatan.

Facebook Comments