KINATIGAN | Rigodon sa BOC, pinaboran ni SGMA

84

Manila, Philippines – Kinatigan ni House Speaker Gloria Arroyo ang desisyon ni Pangulong Duterte na ilipat sa TESDA si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Naniniwala si Speaker GMA na alam at sigurado si Pangulong Duterte sa naging desisyon.

Ayon kay Arroyo, siguradong maraming bagay na ikinunsidera si Pangulong Duterte bago naisapinal ang kanyang desisyong gawing TESDA Director General si Lapeña.

Pabor din si GMA sa pagtatalaga ng Pangulo sa mga dating opisyal ng militar sa mga kritikal na sibilyang posisyon sa gobyerno.

Dagdag pa nito, mga magagaling na sundalo naman ang napili ni Pangulong Duterte kaya advantage na maituturing ang pagtatalaga sa mga ito sa civilian positions.

Facebook Comments