Kindergarten classrooms, pinayagan na ng DepEd nang magkaroon ng 2nd floor

Pinayagan na ng Department of Education (DepEd) ang paglalagay ng kindergarten classrooms sa ikalawang palapag ng mga paaralan.

Inaprubahan ito ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa kondisyong aakuin ng mga paaralan ang responsibilidad para sa anumang aksidente na maaaring mangyari.

Ayon kay VP Duterte, kailangan malapit ang mga silid-aralan sa mga emergency access points at dapat isama sa lahat ng information material ang lokasyon ng classroom sa ikalawang palapag at ang implikasyon nito sa oras na magkaroon ng emergency.


Saklaw ng polisiya ang parehong public at private schools.

Facebook Comments