KINONDENA | DFA, kinondena ang nangyaring missile attack ng Houthi Rebels ng Yemen laban sa Saudi Arabia

Manila, Philippines – Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ginawang missile attack ng Yemeni Rebel Group Houthi Shiite laban sa Saudi Arabia kung saan 400,000 na mga Pilipino ang naninirahan.

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, nalagay sa panganib ang mga sibilyan gayundin ang libu-libong mga Pinoy at mga dayuhan doon.

Tiniyak naman ni Cayetano na walang Pinoy na namatay o nadamay sa pag-atake pero inalerto na ng embahada ang Filipino community at pinayuhan silang maging kalmado at alerto.


Facebook Comments