KINONDENA | Pananambang sa 9 na miyembro ng unyon ng sa Negros Occidental, kinondena ng Gabriela

Mariing kinondena ng grupong Grabriela ang pananambang sa siyam na miyembro ng Negros Federation of Sugar Workers (NFSW) sa Sagay City, Negros Occidental kagabi.

Nabatid na kabilang sa mga nasawi ang apat na kababaihan at dalawang menor de edad.

Kinilala ang mga biktima na sina Eglicerio Villegas, Angelipe Arsenal, Pater, Dodong Laurencio, Morena Mendoza, Necnec Dumaguit, Bingbing Bantigue at kapwa 17-anyos na sina Jomarie Ughayon Jr. at Marchtel Sumicad.


Sa inilabas na pahayag ng gabriela, ito anila ay bahagi ng protesta para tutulan ang umano’y pagpapabaya sa estado at pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

Kaugnay nito, nanawagan ag grupo ng agarang imbestigasyon para managot ang mga suspek.

Facebook Comments