KINONDENA | Panibagong missile attack laban sa Saudi Arabia, kinondena ng DFA

130

Manila, Philippines – Kinokondena ng Pilipinas ang panibagong ballistic missile attacks laban sa Saudi Arabia na ikinamatay ng isang tao at nag-iwan ng dalawang sugatan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, dapat matigil ang ikinakasang missile attacks sa Riyadh at iba pang heavy populated areas dahil paglabag ito sa international law.

Paglilinaw naman ng DFA na walang Pilipinong nadamay sa insidente.

Pinuri naman ng Pilipinas ang kaharian ng Saudi Arabia dahil sa matagumpay na pagpigil sa mga missile na siyang nakapagligtas sa kanilang mga kababayan, mga dayuhan at sa halos isang milyong Pilipinong nagtatrabaho roon.

Facebook Comments