KINONTRA | Resulta ng Pulse Asia Survey na pinaboran ni PRRD, kinuwestyon ni Senator Trillanes

358

Manila, Philippines – Hindi naniniwala si Senator Antonio Trillanes IV sa resulta ng survey ng pulse asia na nagpapakita ng 88 percent na approval rating ni Pangulong Rodrigo Duterte at 87 percent na trust rating.

Diin ni Trillanes, hindi totoo ang resutla ng nabanggit na Pulse Asia survey dahil mali ang sampling design method nito.

Ayon kay Trillanes, nakagawian na ng pulse asia ang gumamit ng mga respondents mula sa Davao City para katawanin ang populasyon sa buong Mindanao.

Paliwanag ni Trillanes, hindi ito makatwiran dahil hindi naman panatiko ni Pangulong Duterte ang mamamayan sa ibang bahagi ng Mindanao katulad ng mga taga-Davao kung saan mahabang panahon itong naglingkod bilang Alkalde bago naging Pangulo.

Facebook Comments