KINUMPIRMA | DILG Region 2, maglalabas ng sariling listahan ng narco politician

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na maraming lokal na opisyal dito sa Region 2 ang sangkot sa ipinagbabawal na gamot o droga.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay DILG Undersecretary Martin Diño, sinabi niya na ilalabas ng DILG ang listahan ng mga opisyal dito sa Region 2 na may kinalaman sa droga sa kabila na hindi nakabilang ang Region 2 kamakailan sa mahigit na dalawang daang listahan ng mga Barangay officials na direktang sangkot sa droga.

Iginiit pa ni Undersecretary Diño na may kasalanan ang DILG Region 2 at ito umano ang kanyang titingnan mabuti dahil hindi pwede sa kanya na may nagkakaproteksyonan sa hanay ng mga opisyal sa usapin ng droga.


Naniniwala pa si Under Secretary Diño na hindi maaring walang record ng droga ang Region 2 dahil napakarami ang hulihan ng droga at nitong nakalipas na taong 2017 ay mayroong laboratoryo ng droga kung saan mga mayor at bise mayor ang mga sangkot dito.

Sinabi pa ni Diño na totoo ang sinabi ng pangulong Duterte na maraming lokal na opisyal ang sangkot sa droga sa bansa.

Dahil dito nanawagan si Under Secretary Diño sa lahat ng taong bayan na gamitin ang mga cellpnones at maging bigilante sa mga ginagawang krimen ng mga opisyal kahit na sila ay nasa matataas na posisyon sa gobyerno.

Facebook Comments