KINUMPIRMA | General Guerrero at 40 opisyal ng AFP, lusot na sa Commission on Appointments

48

Manila, Philippines – Nakalusot na ngayon sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sina Armed Forces of the Philippines o AFP Chief General Rey Leonardo Guerero at 40 flag at senior officers.

Si Guerrero na nagsimulang mamuno sa AFP nito lang Oktubre ay magreretiro na ngayong December 17.

Siya ang ika-49th na AFP Chief of Staff at siya rin ang may pinakamaiksing termino.

Bukod ito ay lumusot din sa CA ang apat na Philippine envoy na kinabbilangan nina: Ambassador Jocelyn Batoon-Garcia sa Kingdom of Norway; Ambassador Dennis Yap-Lepatan sa Switzerland; Ambassador Eduardo Jose De Vega sa Kingdom of Belgium; at Ambassador Demetrio Remedios Tuason sa United Mexican States.

Facebook Comments