KINUMPIRMA | Isa sa mga batang nabakunahan, namatay dahil sa Dengvaxia – PAO

55

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Public Attorney’s Office (PAO) na isa
na namang bata ang posibleng namatay matapos mabakunahan umano ng Dengvaxia.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Acosta, ang bata ay namatay noong November
23 sa San Lazaro Hospital sa Maynila at kahapon lamang, March 15 nang
isailalim ito sa autopsy ng PAO.

Aniya, gaya ng iba pa na naisailalim ng pao sa autopsy, pareho din ang
dinanas ng bata, nagkaroon ito ng organ enlargement at pagdurugo sa
kaniyang utak at baga.

Ang nasabing bata ay unang naturukan ng dengvaxia noong March 2016 at
nasundan pa ito ng ikalawa at ikatlong dose.

Sinabi ni Acosta na sa tatlomput pitong kaso ng pagkasawi na kanilang
naisailalim sa autopsiya, 35 ay pawang zero negative o hindi pa
nagkaka-dengue nang tumanggap ng bakuna habang dalawa naman ang nagkasakit
na ng dengue nang tumanggap ng bakuna.

Facebook Comments