Kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez na 400 hanggang 600 na mga makina ang pumalya ngayong halalan

728

 

Ito aniya ay mula sa kabuuang 85,000 na makina. Ayon kay Jimenez, may sampung libong mga makina naman ang naka-standby para sa replacement.

 

Kinumpirma rin  ni Jimenez na may ilang mga presinto ang naantala ang pagbukas dahil sa pag-malfunction ng SD cards.


 

Aniya, problema sa SD cards ang naging dahilan ng delay dahil kinailangan pa itong palitan matapos na mag-malfunction.

 

Sa kabila nito, wala namang balak ang Comelec na magdeklara ng failure of election sa naturang mga lugar at wala ring balak ang poll body na i-extend ang oras ng botohan ngayong araw

 

Kaugnay naman ng Overseas voting, sinabi ni Jimenez na ang mga balota na ipinadaab sa mga postal mode ay naideliver na ng 100 percent as of today.

 

Sa kaso naman ni dating Vice President Jejomar Binay, nilinaw ng Comelec na kaya pinalitan nila ang balota nito ay dahil nadumihan ito nang dumugin siya ng mga tao.




 

Hindi aniya binasa ng makina ang balota ng dating pangalawang pangulo dahil madumi ito.

Facebook Comments