KINUMPIRMA | VP Robredo – may mga institusyon na palihim na tumutulong sa kanyang “angat buhay” program dahil takot sa political backlash

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Vice President Leni Robredo na may mga institusyon na palihim na tumutulong sa proyektong “angat buhay” ng kanyang opisina.

Aniya, hiniling ng ilan sa kanilang mga partners na huwag isapubliko ang pangalan ng kanilang mga institusyon sa takot na maging biktima ng political backlash.

Naiintindihan naman daw ni Robredo ang posisyon ng mga nakakatuwang nilang organisasyon.


Facebook Comments