KINUWESTIYON | Pagkakasama sa TIME magazine bilang isa sa mga “strongman”, ikinagulat ng Pangulong Duterte

71

Manila, Philippines – Ikinagulat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakasama ng kaniyang pangalan sa cover ng TIME magazine bilang isa sa mga “strongman”.

Kinuwestiyon din ng Pangulong Duterte, kung bakit siya tinawag na isang “mob boss” ng TIME magazine.

Sa nasabing article, kasama ng Pangulo sina Russian President Vladimir Putin, Hungarian Prime Minister Viktor Orban, at Turkey President Recep Tayyip Erdogan kung saan tinawag sila bilang “global strongman”.

Iginiit pa ng Pangulo na kahit kailan ay hindi daw siya naghari-hariaan sa bansa kaya nagtataka siya kung bakit ganun ang naging bansag sa kaniya ng TIME magazine.

Ang naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo nito sa 37th Principals Training And Development Program and National Board Conference sa Davao City.

Facebook Comments