KITA NG MGA TINDERA NG PUTO SA CALASIAO, APEKTADO NG MAINIT NA PANAHON

Apektado ng mainit na panahon ang kita ng mga tindera ng puto sa Calasiao.

Ayon sa ilang tindera ng puto na nakapanayam ng IFM News Dagupan team, naramdaman din umano nila ang kaunting bilang ng mga namimili dahil bihira umano ang paglabas ng mga consumer dala ng mainit na panahon.

Tiniyak naman ng mga ito na malinis at de kalidad ang kanilang produkto. Nasa tatlong araw din ang itinatagal ng puto ngunit kung sadyang sobra ang init ng panahon ay nagtatagal lang ito ng dalawang araw.

Hindi naman magbago ang presyuhan nito na nasa 130 pesos ang puto with cheese habang nasa 110 pesos naman ang plain puno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments