KKDAT ISABELA PROVINCIAL SUMMIT, NAGING MATAGUMPAY

CauayanCity – Tagumpay na naisagawa ang kauna-unahang Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT Isabela Provincial Summit ngayong taon.

Ang tatlong araw aktibidad ay ginanap sa Isabela PPO Grandstand, Brgy.Baligatan, Ilagan City, kung saan ito ay nilahukan ng mga kabataang Isabeleño, kapulisan, at local leaders sa lalawigan ng Isabela.

Ilan lamang sa mga mahahalagang bagay na tampok sa isinagawang talakayan ay Drug Awareness Program, Youth-In-Conflict with the Law, Insurgency Updates, Social Media Marketing for Anti-Drug and Anti-Terrorism Advocacy at marami pang iba.


Bukod pa rito, nagsagawa rin ng mga Team Building Activities upang bigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na maipakita ang kani-kanilang mga talento, leadership skills, at mas mapatibay pa ang ugnayan at samahan sa kanilang mga kasamahan.

Layunin ng aktibidad na ito na mas mapalakas at mahasa pa ang kaalaman at kasanayan ng mga kapulisan, kabataan, maging ang mga lider sapagsulong ng kampanya sa pagsugpo sa ilegal na droga at terorismo salalawigan ng Isabela.

Facebook Comments