Klase sa Camarines Sur at Albay, suspendido na ngayong linggo

Suspendido na ang klase sa buong lalawigan ng Camarines Sur at Albay bukas, Enero a-tres hanggang sa Enero a-kwatro .

Ito ay para mabigyang pagkakataon ang mga nasalanta ng bagyong Usman na maka-recover sa epekto ng kalamidad.

Sa inilabas na Memorandum Order (MOA) ng lokal na pamahalaan, magbabalik sa normal ang klase sa nasabing mga lalawigan sa January 7, araw ng Lunes.


Ang Camarines Sur at Albay ay una nang isinailalim sa state of calamity dahil sa naging pinsala ng bagyong Usman.

Facebook Comments