Klase sa lahat ng antas sa Marikina City, suspendido ng isang buwan

37

Pinalawig pa ng isang buwan ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang suspensyon sa klase sa lahat ng antas.

Ito ang inanunsyo ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro bunsod ng matinding pinsalang tinamo ng kanilang lungsod sa epekto ng Bagyong Ulysses.


Paliwanag ni Mayor Teodoro, nananatiling mahina pa rin ang signal ng kanilang internet at napinsala rin ang mga module na ginagamit ng mga mag-aaral matapos malubog sa baha.

Dahil dito, minarapat niyang bigyan ng tamang panahon ang mga guro, magulang at mag-aaral para ayusin ang kanilang mga kinakailangang kagamitan bago sila muling magpatuloy sa pag-aaral.

Facebook Comments