Klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong eskwelahan sa Quezon City, kanselado na sa July 24 kasabay ng ikalawang SONA ng Pangulo

51

Quezon City – Isang linggo bago ang SONA ni Pangulong Duterte, nagkansela na ng klase ang lungsod ng Quezon sa July 24.

Sa abiso, sakop ng suspensyon ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa lungsod.

Dahil na rin ito sa inaasahang mga kilos-protesta at pagsisikip ng daloy ng mga sasakyan.

Noong nakaraang taon, matatandaang nagdeklara rin ng class suspension ang lokal na pamahalaan ng QC dahil sa SONA.

Facebook Comments