KLASE SA PANGASINAN, AWTOMATIKONG LILIPAT SA ALTERNATIVE DELIVERY MODES (ADM) KAPAG ANG HEAT INDEX AY UMABOT SA 46°C PATAAS

Inilabas ng Pangasinan Disaster arisk Reduction and Management Council ang Isang memorandum para sa awtomatikong paglilipat ng klase sa Alternative Delivery Modes (ADM) kapag umabot na ang heat index sa probinsiya sa 46°C pataas.

Nakasaad sa PDRRMC Memorandum No. 001 series of 2025,ang mga lokal na pamahalaan ay may kapangyarihang suspendihin ang klase o magpatupad ng ADM kung ang heat index ay umabot sa 45°C.

Awtomatikong lilipat naman sa modular distance learning, performance tasks, o iba pang ADM ang mga paaralan kung ang heat index ay nasa pagitan ng 46°C hanggang 51°C, na kabilang sa “DANGER” classification ng PAGASA.

Bukod dito, kapag umabot sa 52°C o mas mataas pa ang heat index, awtomatikong isususpinde ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan mula pre-school hanggang senior high school. Ang mga pribadong paaralan naman ay maaaring umangkop sa memorandum batay sa kanilang polisiya.

Noong Abril 2024 ay naitala ang pinakamataas na heat index sa lalawigan na umabot sa 51°C, partikular tuwing alas-12 ng tanghali, alas-2 ng hapon, at alas-3 ng hapon.

Inatasan din ang mga paaralan na magpatupad ng health at safety measures tulad ng pagbibigay ng sapat na tubig, lilim, at pahingahan para sa mga mag-aaral at guro. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments