KLINARO | Andre Paras, nilinaw na okay sila ng kaniyang mommy

69

Manila, Philippines – Nilinaw ng actor na si Andre Paras na maayos ang relasyon nila ng kanyang inang si Jackie Forster.

Ito ang naging sagot ni Andre sa mga maling ispekulasyon sa instagram post ni Jackie na nagpahiwatig na nasa “process of healing” pa rin ang relasyon nila ng kanyang anak.

Ayon kay Andre, maraming basher ang nagpapalala pa sa sitwasyon.

Dismayado rin raw siya sa panghihimasok ng mga netizens sa kabila ng kanyang apela na panatilihing pribado ang nangyayari sa loob ng kanilang pamilya.

Matatandaang noong Abril nang magsama sa unang pagkakataon sa loob ng 12 taon si Jackie at ang kanyang mga anak na si Andre at Kobe.

Ipinagtanggol rin nina Kobe at Andre ang amang si Benjie Paras laban sa mga akusasyon na ito raw ang nag-impluwensiya na huwag patawarin ang kanilang ina.

Facebook Comments