KLINARO | Paolo Duterte, itinangging tatakbo para gantihan si Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Nilinaw naman ni Presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na hindi siya tatakbo sa Kongreso para lamang maghiganti kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Polong, paghahatid ng hustisya at makapagsilbi sa taumbayan sa Davao City aniya ang kanyang hangarin.

Aniya, dapat harapin ng senador ang mga isinampang niyang kaso laban sa kanya.


Dagdag pa ni Paolo – wala nang halaga si Trillanes at isang biyaya para sa mga Pilipino ang pagtatapos ng termino ng senador.

Matatandaang naghain ang dating alkalde ng kandidatura bilang kinatawan ng Davao City 1st District.

Facebook Comments