KLINARO | SWS, nilinaw na nagbabago at magkakaiba ang mga survey

195

Manila, Philippines – Nilinaw ng Social Weather Station (SWS) na nagbabago at magkakaiba ang mga survey.

Batay kasi sa survey na kinomisyon ng Lakas–CMD (Lakas–Christian Muslim Democrats), lumalabas na iba ang resulta ng set of probable “magic 12” mula sa survey ni Presidential Political Adviser Francis Tolentino sa kabila na pareho naman itong ginawa mula September 15 hanggang 23, 2018.
Ayon kay SWS Director for Communications and Information Technology Leo Laroza – ang survey ay nakadepende sa mga pangalan at bilang ng choices na ibinigay ng poll sponsor.
Dagdag pa ng SWS, gumamit rin umano sila ng parehong set of respondents sa dalawang surveys.

Facebook Comments