KMU, tinuligsa ang PHISGOC dahil sa worker casualty sa SEA Games

Ikinalungkot ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagkasugat ng isang construction worker matapos na mahulog sa scaffoldings sa inaayos na Rizal Memorial Stadium.

Ayon kay KMU Vice President Lito Ustarez, naganap ang kanilang pinangangambahan sa harap ng mga inihahabol na konstruksyon kaugnay ng SEA games.

Labis na pagod ang dahilan kaya sumulpot ang insidente.


Aniya, obligasyon ng PHISGOC na tiyaking maayos ang proseso ng construction ng mga venues ng SEA Games

Dapat aniyang imbestigahan ng DOLE kung may safety measures at kung well compensated ang mga trabahador doon.

Facebook Comments