Kobe Paras – opisyal nang kinumpirma ang paglalaro sa CAL State Northridge

115

Sports – Opisyal nang kinumpirma ni former La Salle-Greenhills star na si Kobe Paras ang paglalaro nito sa koponan ng CAL State Northridge para sa big west conference.

Sinabi ni Paras na malaking factor sa pag-alis niya sa Creighton Bluejays ang playing time.

Tiwala aniya siya na marami siyang matututunan sa programa ng CAL State Northridge Matadors lalo’t makakasama niya roon si coach Reggie Theus na dating coach ng Sacramento Kings.

Nakatakda namang kumuha ng summer classes sa CAL State si Paras para mapayagan siyang makalaro para sa Matadors.

Bukod sa Matadors, kabilang rin sa malalaking koponang maglalaro sa big west conference ang CAL State Fullerton at long Beach State.

DZXL558

Facebook Comments