Kolumnistang si Margarita Valle, nakatakdang palayain na

Nakatakdang palayain ng Philippine National Police (PNP) ang kolumnista na si Margarita Valle na inaresto sa Laguindingan Airport sa Misamis Oriental, Linggo ng umaga.

Sa isang pahayag, sinabi ni PNP spokesman Colonel Bernard Banac na mistaken identity ang naturang insidente.

Aniya, nang iharap si Valle sa witness ng kaso, inilahad nito na magkahawig lamang si Valle at ang mismong suspek sa kaso.


Papakakawalan si Valle matapos itong dumaan sa medical examination at documentation.

Ang 60-anyos na kolumnista ay inaresto sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong multiple murder with quadruple frustrated murder at damage to government property na inilabas ng Misamis Occidental Regional Trial Court noong December 2011.

Pauwi na sana si Valle mula sa dinaluhang writing workshop sa Cagayan de Oro nang arestuhin sa nasabing paliparan.

Facebook Comments