Kolumnistang si Margarita Valle, pinag-aaralang kasuhan ang mga pulis na umaresto sa kanya

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng kampo ni kolumnistang si Margarita Valle ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis na umaresto sa kaniya sa humuli sa kanya airport sa Misamis Oriental.

Ayon kay Atty. Kathy Panguban, abogado ni Valle, paglabag sa karapatang pantao ng kolumnista ang ginawa ng mga otoridad.

Matatandaang si Valle ay pinalaya din matapos mapatunayang isa itong mistaken identity nang mapagkamalan siyang isang Elsa Renton na may mga alias na ‘Tina Maglaya’ at ‘Fidelina Margarita Valle.’


Nauna na ring humingi ng paumanhin si Police Colonel Tom Tuzon, hepe ng CIDG Regional Field Unit 9 kay Valle dahil sa nasabing mistaken arrest.

Facebook Comments