Komedyanteng si Super Tekla, nagsalita na kaugnay sa mga alegasyong ibinabato laban sa kanya ng live-in partner

959

Nagsalita na ang komedyanteng si Super Tekla o Romeo Librada sa tunay na buhay kaugnay sa alegasyong inabuso niya sexually ang kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.

Naging laman ng social media si Tekla nitong mga nakaraang araw matapos siyang ireklamo ni Michelle kaugnay sa mga ginawang pambabastos umano sa kanya.


Isa na rito ay ang pamimilit ni Tekla na magsiping sila ni Michelle kahit masama ang pakiramdam nito, nakakatikim ng masasamang salita, ginugutom at nagpapakita ng maselang bahagi ng kanyang katawan.

Sa inilabas na statement ni Tekla sa kanyang mother network, sinabi nitong hindi totoo ang lahat ng paratang laban sa kanya ng kinakasama.

Aniya, nasa tamang katinuan pa siya kaya hindi niya ito magagawa.

Giit ni Tekla, isang sensitibong usapin ito na dapat sa loob lang pamilya pinag-uusapan.




Pinabulaanan din ng komedyante na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot at handa siyang magpa-drug test upang patunayang malinis siya sa droga.

Nabatid na anim na taon nang magkarelasyon sina Tekla at Michelle kung saan mayroon silang apat-na-buwang sanggol.

Facebook Comments