Koneksyon sa Marawi Attack, mariing itinanggi ni Senator Trillanes

76

Manila, Philippines – Mariing pinabulaanan ni Senator Antonio Trillanes IV ang pagdadawit sa kanya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pag-atake ng Maute Terror Group sa Marawi City.

Tinawag pa ni Trillanes si Aguirre na incompetent at stupid.


Tugon ito ni Trillanes sa bintang ng DOJ chief, na siya, kasama sina Senators Bam Aquino, Magdalo Representative Gary Alejano at dating Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas at local leaders ay nagpulong sa Marawi City noong May 2.

Ilang linggo ito bago umatake ang Maute Terror Group sa Marawi noong May 23.

Diin ni Trillanes, wala siyang kahit anumang koneksyon sa Maute Group.

Kahit minsan din aniya ay hindi siya nagtungo sa Marawi sa loob ng nakalipas na tatlong taon.




Dagdag pa ni Trillanes, makabubuting i-check din ang record ng Senado noong May 2.

Payo ni trillanes kay Aguirr,e huwag nitong ibase ang mga intelligence information sa mga facebook conspiracy theorists.
DZXL558

Facebook Comments