Kongresista, hiniling na palitan ng magaling na doktor si outgoing Health Secretary Ubial

Manila, Philippines – Inirekomenda ni Deputy Minority Leader Harry Roque na palitan ng isang exceptional doctor si outgoing Health Secretary Paulyn Ubial.

Ayon kay Roque, dapat ay isang doktor na subok na may managerial skills ang susunod na italaga sa DOH.

Nakasalalay aniya sa kamay ng susunod na kalihim ng DOH ang tagumpay ng universal health care at iba pang reporma sa sektor pangkalusugan.


Para kay Roque, ang hindi pagkumpirma kay Ubial ay nangangahulugan na nakaligtas ang bansa sa major public health disaster.

Umaasa si Roque na hindi na magkakamali ang Pangulo sa pagpili ng susunod na DOH secretary.

Si Roque ang isa sa humarap sa nominasyon ni Ubial sa Commission on Appointments.

Facebook Comments