Kongresista, pinaaagapan sa DA ang mga trader na mang-aabuso sa presyo ng gulay matapos humagupit ang Bagyong Maring

65

Pinakikilos ni Assistant Majority Leader Fidel Nograles ang Department of Agriculture (DA) laban sa mga traders na mananamantala sa presyo ng gulay matapos na hagupitin ng Bagyong Maring ang Northern Luzon.

Tinukoy ng kongresista na nito lang nakaraan ay problema na ng mga local farmer ang pagkalat ng smuggled na gulay mula China at ngayon naman ay sinira ng bagyo ang kanilang mga pananim.


Pinamamadali ni Nograles ang DA sa pag-aksyon para mahuli at mapigilan ang mga mang-aabuso sa presyo ng mga gulay lalo’t parehong apektado ng kalamidad ang mga magsasaka at mga mamimili.

Talamak aniya ang mga middle men na sinasamantala ang sitwasyon kung saan bibili ang mga abusadong traders ng gulay sa mga magsasaka sa murang halaga at ibebenta ito sa merkado sa mataas na presyo sa katwirang mababa ang suplay.

Dahil dito, pinatutugis ng mambabatas sa ahensya ang mga abusive trader upang masawata na ang mga pang-aabuso sa farmers at consumers tuwing may kalamidad.

Umapela rin si Nograles sa DA na ayudahan ang mga magsasakang apektado ng Bagyong Maring.



Facebook Comments