Isinisisi ng isang ekonomista sa information failure kaya napag-iiwanan ang Pilipinas ng mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) pagdating sa COVID pandemic management.
Sa isang webinar forum ay tinukoy ni Marikina Representative Stella Quimbo ang walong kadahilanan sa kapalpakan ng bansa na maglabas ng tamang impormasyon mula sa data collection at analysis para sa timely information patungkol sa nga kaso ng COVID-19.
Una aniya dito ang kabawasan sa abilidad na maikumpara ang mga data points sa mga bagong format ng daily COVID updates ng Department of Health (DOH).
Bunsod aniya ng mga delay sa COVID-19 reporting, madalas na biglang tumataas ang bilang ng mga kaso ng impeksyon na nagiging sanhi ng panic sa publiko.
Ilan pa sa mga tinukoy ni Quimbo na failures ng bansa ay agad na lifting o pagaalis ng istriktong lockdowns sa kabila ng mataas na kaso, pagkakaiba sa bilang ng hospital beds sa national at sub-national level, hindi kumpletong reporting sa contact tracing, kawalan ng standard contact tracing app, complex na lockdown acronyms, at kawalan ng National ID system para sana madaling ma-trace ang mga COVID-19 positives at mapabilis ang pamamahagi ng ayuda.
Inirekomenda ng lady solon na ayusin ang in-house capacity ng DOH sa pagkolekta, pag-encode, storage, analyze, report at komunikasyon ng data patungkol sa COVID-19 cases gayundin ang pagpapatupad ng digital transformation sa pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.