Kongresistang dating PNP General, dismayado sa PNP na dawit sa secret jail

141

Manila, Philippines – Mistulang ikinahiya ni Antipolo Rep. Romeo Acop ang mga pulis Maynila na humarap sa pagdinig tungkol sa secret jail.

Sa pagdinig ng House Subcommittee on Correctional Reforms sinabi ni Acop na nakakahiya ang naging pagsagot ng mga pulis partikukar na ang sinibak na station commander ng MPD Station 1 na si Supt. Robert Domingo.


Sa pagsagot ni Domingo sa paggisa ng mga miyembro ng sub-komite paiba-iba ang naging tugon nito sa mga tanong sa kanya at hindi into maklaro kung bahagi ng polisiya ang pagkakaroon ng secret detention.

Ito ay matapos iabswelto ng NCRPO-IAS na walang katotohanan ang secret jail.

Bilang dating miyembro ng PNP sinabi ni Acop na nakakahiya ang ganitong klaseng pagsagot ng mga opisyal.

Sinabi rin nito na kung ganoon ang klase ng pagsagot ni Domingo ay dapat nga itong sinisibak.




Humarap sa pagdinig ang ilang mga opisyal ng PNP kaugnay sa natuklasang secret jail sa Manila Police District Station 1.
DZXL558

Facebook Comments