Kongresistang nanapak ng waiter sa Legaspi, nag-sorry na

Nag-sorry na si ang Probisnsyano Party-List Cong. Alfred Delos Santos kasunod ng pananakit sa isang service crew sa isang kainan sa Legaspi.

Paliwanag ni Delos Santos, hindi niya nakontrol ang kanyang sarili nang marinig na bumubulong ang waiter matapos niya itong sabihan na ayusin ang paglalagay ng paper placement sa lamesa nila.

Aniya, galing na siya sa bahay ni Christian Kent Alejo at personal na humingi ng dispensa.


Tinanggap naman daw nito ang kanyang sorry.

Sa kabila nito, handa umanong harapin ni Delos Santos ang magiging pasya ng kanyang Partylist Group pero nakiusap siya na mabigyan pa ng isang pagkakataon.

Facebook Comments