Kongreso, pinagkokomento ng Korte Suprema sa petisyon tungkol sa paglikha ng anti-political dynasty law

Pinagkokomento ng Korte Suprema ang Kongreso kaugnay sa petisyon na inihain ng ilang grupo na layong bigyang linaw ang political dynasty.

Sa en banc session ng Supreme Court ngayong araw, binigyan nila ng sampung araw ang Senado at Kamara para magkomento sa petisyon na nagbibigay linaw sa political dynasty partikular ang pagtukoy kung ano ang depinisyon nito.

Pinagsama na rin ng SC ang petition na inihain nina Wilfredo Trinidad, Kapatiran Party, at 1Sambayan Coalition.

Hinihiling ng mga ito sa Korte Suprema na atasan ang Kongreso na lumikha ng batas laban sa political dynasty.

Una nang sinabi ng petitioners na dahil sa hindi pag-aksyon ng Kongreso ay pinabayaan nila ang tungkulin na nagresulta sa monopolyo ng politika at pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na nagpapalala sa kahirapan ng maraming Pilipino.

Facebook Comments