Konsehal arestado ng PDEA ARMM, Shabu at mga baril nakumpiska

33

Tinatayang abot sa 750 Thousand Pesos na halaga ng Shabu ang nakumpiska ng mga elemento ng PDEA ARMM kasama ang mga kapulisan at militar sa isinagawang magkahiwalay na search warrant operation sa Balabagan Lanao Del Sur alas singko ng madaling araw kahapon.
Unang target ng operasyon ang tahanan ni Abedin Disalongan 37 anyos , Municipal Councilor ng Balabagan na kung saan nakumpiskahan ng 50 grams ng shabu na may street value na 340K samut saring drug paraphernalia na kinabibilangan ng digital weighing scale at empty plastic sachet.
Sa follow up operation , sinalakay ng mga operatiba ang pamamahay ng bagong halal na Kapitan sa Brgy . Banago ngunit nabigo ang mga ito na maaresto ang mga target na sina Kapitan Billy Jack Ogca at maybahay nitong si Hayleen.
Bumuluga sa mga operatiba ang 60 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P408,000 at samu’t saring drug paraphernalia na kinabibilangan ng digital weighing scale at empty plastic sachet.
Kasalukuyang himas rehas na sa jail facility ng PDEA ARMM ang naareso at nahaharap na sa kaukulang kaso
6th ID Pic

Facebook Comments