Konsehal, kapitan at dating vice mayor, inaresto ng mga pulis dahil sa tupada sa Batangas

Dinampot ng mga pulis ang isang konsehal, kapitan at dating bise alkalde nang mahuli sa aktong nagtutupada o iligal na sabong kahapon ng tanghali sa bayan ng Alitagtag, Batangas.

Ayon kay Police Captain Hazel Luma-ang Duarez, ang tagapagsalita ng Batangas Police Provincial Office, ang mga naaresto ay sina dating Vice Mayor Manuel Gutierrez, Municipal Councilor Jerome Garcia at Barangay Dominador East Captain Antonio Chavez.

Nakumpiska sa kanila ang 12 panabong, 36 na tari at halos P30,000 halaga ng pusta.


Sa ngayon, nahaharap na ang tatlo sa kasong illegal cockfighting at paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act.

Facebook Comments