Konsehal – patay matapos tambangan sa harap ng kan yang bahay

73

Manila, Philippines – Patay ang isang konsehal matapos na matagpuan sa labas ng kanyang bahay sa barangay Zamaro sa Cabarroguis, Quirino.

 

Pasado alas-sais ng umaga nang madiskubre ang bangkay ni Konsehal Alberto Binlayan na nagtamo ng tama ng mga bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

 

Ayon sa imbestigasyon – posibleng tinambangan ang biktima habang ipinaparada ang pick-up nito sa labas ng kanyang tahanan kagabi.

 

Inaalam pa ang motibo at pagkakakilanlan ng gunman.



Facebook Comments