KONSTRUKSYON NG FLOODGATE SA ILANG COASTAL BARANGAYS NG LINGAYEN, NAGPAPATULOY

Nasa animnapung porsyento na ang natapos sa ipinapatayong floodgate sa Sitio Aplaya, Brgy.Pangapisan North, Lingayen bilang hakbang na maibsan ang pagbaha na madalas maranasan tuwing tag-ulan at high tide.

Kaakibat ng ipinatayong floodgate ang machine-operated pumps upang tuluyang mawala ang mga naimbak na tubig sa mga komunidad tuwing may pagbaha dahil sa pagsasabay ng pag-ulan at high tide.

Ang naturang proyekto ay bahagi ng P139 million pesos na programang laan sa pagpapatayo ng seawalls at floodgates sa mga lugar na sakop ng Lingayen Gulf.

Nakatakda pang ilunsad ang limang floodgates sa Alvea St., Libsong East at West,Villa Maniboc, Lingayen, at sa Brgy.Buenlag, Binmaley. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments