Muling ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City kasama ang City Engineering Office at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kasalukuyang isinasagawang kakalsadahan at drainage system sa Barangay Carael.
Matagal na rin umanong iniinda ng mga residente roon ang pagbaha dahil sa mababang kalsada.
Nasa phase four na ang konstruksyon nito at nagkaroon pa ng karagdagang pondo para mapataasan ang buong kalsada kasama na ang tulay sa bahagi ng creek.
Ayon kay Dagupan City Mayor Belen Fernandez, humihiling pa sila ng karagdagang tulong mula sa DPWH upang tuluyan na mapataasan ang kabuuan ng kalsada sa barangay pati na rin ang tulay sa creek.
Pag-aaralan pa umano ng DPWH at magkakaroon pa ng survey ukol sa proyekto upang malaman ang gagawin sa karagdagang pondo sa kalsada at mainam na pagpapalit sa nasabing tulay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨